Friday, June 12, 2009

111th Independence Day of the Philippines

Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang ating 111th kalayaan ng ating bansa. Nawa'y manatili tayong tapat sa ating bansang Pilipinas. Kahit nasaan man tayo ating isa-puso ang pagiging tunay na Pilipino. Maging isang magandang halimbawa tayo sa mga susunod na henerasyon upang sa kanilang paglalakbay ay dala rin nila sa kanilang puso ang pagiging isang makabayan.

Sa mga kababayan ko dito sa Cambodia, tayo po ay inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas na dumalo sa isang pagpupugay sa ating watawat o "flag raising ceremony", ito po ay gaganapin sa ating Embahada sa darating na sabado ika-13 ng Hunyo taong 2009, sa ganap na ika-7 ng umaga, meron din pong nakahain na almusal para sa atin matapos ang programa.

Sa darating na linggo po ay inaanyayahan naman po tayo ng SAMAPI o Samahan ng mga Pilipino sa Cambodia, sa isang pagtitipon bilang pagdiriwang ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito po ay gaganapin sa Hotel Intercontinental Phnom Penh sa ganap na ika-6:30 ng linggo ng gabi. Para sa karagdagang impormasyon puwede po kayong bumisita sa SAMAPI site.

Akin pong binabati ang aking nakakatandang kapatid na lalake ng Maligayang Kaarawan ngayong araw na ito. Mahal kita.

Lubos na gumagalang,
Romalyn


**(Ayan, ang galing ko rin magtagalog ano? ngaun lang to. heheh)

No comments: