Monday, February 20, 2012

Pake mo ba?!

Habang tumatagal dumarami ang mga pakialamera at mga tsismosa ang nagsisisulputan.

Minsan sadyang nakakairita sila, yong tipong wala ng iba ginawa kundi ang abangan kung ano ang bago tungkol sa ibang tao. Hindi na lang ba nila isipin ang sarili nilang problema.

Kapag ba nagdecide kayo magjowa na magpakasal na dahil lang ba sa buntis ang babae? Pwede naman na sobrang inlove kayo sa isat isa diba? Hindi ko din naman masisisi ang mga tao, dahil sa panahon natin, mas madami siguro ang kinakasal ng dahil sa nabuntis sila ng wala sa oras. Bakit kaya hindi na lang maging masaya ang mga tao para sa 2 taong nagmamahalan ng wagas! hehe!

May mga tao naman na pilit hinahadlangan ang taong nagmamahalan ng wagas. Yon bang pilit sila pinaglalayo at gagawin nila lahat para lang magawa ang gusto nila. eh sa kasamaang palad malakas ang kapit nila sa kinauukulan, joke lang! Kung san ba masaya ung tao, bakit di na lang natin sila hayaan diba? Hindi naman tayo kung pakikisamahan nila dba? Kung ano man yong mga bagay na kinatatakutan natin na mangyari sa kanila, eh hayaan natin sila ng maranasan naman nila magkamali at matuto sila sa sarili nilang pagkakamali hindi yong kelangan mo idikta ang kelangan nila gawin, eh pano ba nila malalaman kung tama or mali un kung di nila maexperience dba? Hindi ako perpekto na tao at hindi rin ako nagmamalinis ang sinasabi ko lang ay ang katotohanan.

Minsan kung sino pa yong mga taong sa tingin natin makakaintindi satin, sila pa itong mga taong humihila satin pababa, mga asal talangka ba! Ayoko lang na kung magpost sila sa facebook eh kala mo sila na yong inapi api. Para sakin, di bale ng mabawasan ng mga kaibigan kung ang mga ito ay hindi totoo sayo, okay lang kung konti lang ang kaibigan mo, atleast pamilya mo yong andyan para sau. Naiirita ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari nong nakaraang buwan, nang mayanig ang FB tungkol sa mga post na ibinabato samin ng mga taong tinuring namin na kaibigan, sila na nga itong nang istorbo at nagsalita ng kung ano ano tungkol sa pamilya namin sila pa ang galit at kung makapost WAGAS! hay naku!

I don't have anything against them. Mas madami ako problema na dapat ko harapin kesa isipin sila. Sana ganon din sila, bago nila batuhin ang ibang tao tungkol sa mga pagkakamali nila ay sana makita nila ang sarili nilang dumi.

Pake mo ba kung ganito ako?! Hindi ako suplada, ayoko lang talaga sa mga taong alam ko na titirahin ako patalikod! ang traydor!

Being a Mom.

May nabasa ako na post tungkol sa pagiging full time mom sa abroad, nakarelate lang. hehehe!

I agree with her, being a MOM in a foreign land is very difficult, madami ka kelangan isakripisyo, may mga bagay na kelangan ka para sa anak mo pero hindi sya available kung asan ka man, katulad na lang ng mga gamot ng baby, kelangan mo pa magpabili sa Pinas para sa mga gamot na nakasanayan na satin na gamitin, dito kasi sa Cambodia, hindi available ang DROPS or any vitamins for the toddlers, ang ginagawa nila tinutunaw ang tablet na gamot at iyon ang ipapainom sa bata... isipin mo na lang kung gaano kapait yon, malamang ikaw mismo di mo kaya yon, dba?

Of course mas mahirap maging working mom syempre iisipin mo kalagayan ng anak mo all the time lalo na kung local yong mag aalaga, mahirap magtiwala, hindi mo naman sila ganon kakilala at baka kung ano gawin sa anak mo. Mas gugustuhin ko pa nga na maging full time mommy na nga lang ako eh, pero wala eh, wala ako choice, kelangan para din sa kinabukasan ni baby. Hindi man ganon kalaki ang sweldo ko, atleast maayos naman at enough na to survived. :D joke lang!

Nong umalis ang yaya kong khmer nagdesisyon kami na kunin na lang yong pinsan ko para mag alaga sa anak ko, madali  naman un turuan at madami naman mag aassist sa kanya. Halos isang buwan na rin ng tumigil si yaya, at sa loob ng isang buwan na yon mga kapatid ko na lalaki, kanilang girlfriends at Tito ko ang nag aalaga sa kanya. pero syempre hanggang sa alaga lang din sila, di naman sila marunong maglaba, maglinis, magplantsa, at dahil don ako pa rin! pero wala ako reklamo worth it naman para ke Sam at ke Mahal. Kaya ayon super nanay ako, sa pananaw ko ah? Pero syempre wala pa ako sa kalingkingan ng experience ng nanay ko. She always inspires mo, and I really learned a lot from her being a mom and a wife, pero sa pagiging asawa medyo tagilid pa ako. hahah!

Sabi nga nila, "Ang pagiging ina ay isang dakilang propesyon at pang habang buhay na kontrata" yong tipong walang pahingahan, bawal ang mag day-off at walang sahod at mas lalong hindi ka pwede mag RESIGN! pero at the end of the day lahat ng pagod mo mawawala lahat kapag nakita mo ang pamilya mo na masaya...

Mahalin mo kung ano man ang meron ka, at lalong lalo na pahalagahan mo ang mga taong nagmamahal sayo.

Saturday, February 18, 2012

Samantha Lorraine Dionco Cruz (fruit of our love)


My Samantha is turning 7 motnhs this February. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang nasa tyan ko lang siya ngayon sobra na ang kalikutan. 

Nakakatuwa talaga kung may baby sa bahay, yong alamo na may nag aantay sayo at yayakap pagdating mo galing sa trabaho. Ang sarap ng feeling ng ganon. 

Madami ako pinagdaanan, mula sas pagbubuntis, may ilang beses ako naaksidente; nadulas, bumagsak sa upuan, pero malakas yang baby ko na yan, malakas ang kapit sakin. Sa panganganak ko, ibang sakit ang naramdaman ko, hindi ko kinaya ang normal delivery, hindi dahil sa ayaw ko ng labour pain kundi dahil sa wla ako ibang choice, ayoko i-risk ang buhay namin dalawa. Eh panu kasi sa sobra likot nya ayon nagpulupot ang umbilical cord or pusod sa leeg nya, di naman daw grabe pero syempre nasa Cambodia ako at wala ako masyado tiwala sa doctor. Ang hirap kumilos aba! I was on maternity leave for 4 months, eh pano after almost 3 months saka ko narealized na wala pala mag aalaga sa kanya kapag bumalik ako sa trabaho. So I have to hired a Cambodian lady who can be a nanny, and kelangan pa itrain. lumabas tuloy ang pagiging Cambodian ko. heheh! 

Mahirap maging working mom, syempre palagi mo maiisip yong sitwasyon ng anak mo, kung napapakain ba sya mabuti, kung naiinom ba ang mga vitamins nya? kung hindi ba sya nagkakasakit. So ayon, stressed ka na sa opisina, lalo ka mastress sa pag iisip sa kanya. Pero mawawala lahat ng pagod mo pagdating mo galing sa trabaho kapag nakita mo na sya nakangiti sayo. Lalo pa ngaun na marunong na sya humabol, ay naku, kapag karga ko na sya, SUPLADA na sya sa iba... with matching taas ang isang kilay ah... 

Natutuwa talaga ako sa kanya, hindi sya yong tipo ng bata na late na matutulog, madaling araw na laro pa kayo... She's not, she sleeps at around 8pm but woke up at 5am. ang bongga diba? Almost a month na sya wala nanny, so I just asked my brothers (with their girlfriend) and my uncle to take care of her, I'm still waiting for the nanny from Pinas. So ayon before I go to work, nagpapakain at nagpapaligo pa ako ng anak. ang toxic ko rin noh? heheh! 

Good news! She's teething na! Meron na sya tooth! ang saya... kaya lang kakagatin na nya ako, bugbog talaga ako sa kanya, sapak, sabunot, kagat at kung ano ano pa... pero sobrang LOVE ko to! 

I love you so much baby Samantha! mwah


And I'm Back!

Tama! ako ay nagbabalik sa mundo ng blog. Isang bagay na matagal ko ng gustong balikan, pero pilit ko ring binibitawan. May mga panahon na gustong gusto ko isulat dito lahat ng nararamdaman ko, yong tipong gusto mo isigaw pero may pumipigil sayo. Minsan kasi naiisip ko, hindi naman lahat dapat mo ilagay sa internet, dba? pero pakialam ba nila? Walang basagan ng trip.

Teka bakit ba ako bumalik sa pagsusulat? Wala lang, madami na naman kasi ako nabasa na personal blogs eh, nainspire lang ako sa kanilang ginawa. Ang lakas ng loob nila kasi!

Madami na ang nangyari, sa sobrang dami nya hindi ko na alam kung paano mag-update dito.

May mga major CHANGES that happened to me. Well, the last post I made when I was still SINGLE. Akalain mo yon, MARRIED at MOM na ako ngayon! Eto na yong pinakamagandang BLESSINGS na natanggap ko. Thank you po Lord! :)

I never thought that I will be married at the age of 22 1/2, I always wanted at the age of 30. Bongga dba? Pero sabi nga ng iba, hindi naman natin hawak ang mga pangyayari eh dba?

jeff and I we're talking about getting married pero sinabi ko sa kanya na he have to wait and he said yes it's fine. Pero when we celebrated our 3rd Anniversary last September 4, 2010 he proposed and I said YES! With that incident, we decided to get married as soon as possible, hindi naman sa pregnant na ako, pero we're living in the same roof na and my parents kinda feel awkward about it.

We've been quiet about the preparation, only selected people knew about it, Nong nafinalized na namin with Philippine Embassy yong kasal, doon lang ako nagpost and invited selected people, as in very few, very close friends and other relatives lang. People were shocked about it that they even made their speculation that I am pregnant that's why we got married at this young age. syempre ignore na sila,(of course di pa namin alam yon noh) were happy eh! =P

After a month ko pa lang nalaman na I was 15 weeks pregnant, without any signs of pregnancy, eh pano palagi din naman masama ang pakiramdam ko. So yah, what people thought about us was true, but that's not the reason why we got married, it's because we really love each other and ayaw na namin mahiwalay sa isat isa. Actually we got married twice; we had CIVIL WEDDING at the Embassy and a CHURCH wedding (I was 5 months preggy). Our church wedding preparation is sobrang mabusisi, matrabaho at magastos! pero sulit naman at least meron kami basbas from our Lord God dba? Madami dami din ang umattend, pero may mga taong kunyari nagtampo na hindi ko inimbita nong una kong kasal pero ng imbithan ko sa kasal namin sa Simbahan sila din ang hindi nagsidalo. ayos lang, hindi ko na lang pinansin. sisirain ko ba ang special na araw ko ng dahil sa kanila? syempre hindi.

After ilang buwan ayan na ang pinakahihintay ko, ang lumabas ang aking anghel! Pwede ba separate post to? heheh!

Sa sobrang dami na napagdaanan ko, ay konti pa lang pala yon, MASAYA ako sa Kung ano ang meron ako ngaun. mahal ko ang buhay ko, at ang pamilya ko, syempre No. 1 sa heart ko si God. :)

Re-posted from tumblr!


Next to God you are and always will be the most important person in my life. 

I commit myself in building our marriage, home and our happiness. 

I will forever be faithful and constant to you, with my love, I will give you my life and all that is meaningful to me. 

I love you so much Mahal. <3