My Samantha is turning 7 motnhs this February. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang nasa tyan ko lang siya ngayon sobra na ang kalikutan.
Nakakatuwa talaga kung may baby sa bahay, yong alamo na may nag aantay sayo at yayakap pagdating mo galing sa trabaho. Ang sarap ng feeling ng ganon.
Madami ako pinagdaanan, mula sas pagbubuntis, may ilang beses ako naaksidente; nadulas, bumagsak sa upuan, pero malakas yang baby ko na yan, malakas ang kapit sakin. Sa panganganak ko, ibang sakit ang naramdaman ko, hindi ko kinaya ang normal delivery, hindi dahil sa ayaw ko ng labour pain kundi dahil sa wla ako ibang choice, ayoko i-risk ang buhay namin dalawa. Eh panu kasi sa sobra likot nya ayon nagpulupot ang umbilical cord or pusod sa leeg nya, di naman daw grabe pero syempre nasa Cambodia ako at wala ako masyado tiwala sa doctor. Ang hirap kumilos aba! I was on maternity leave for 4 months, eh pano after almost 3 months saka ko narealized na wala pala mag aalaga sa kanya kapag bumalik ako sa trabaho. So I have to hired a Cambodian lady who can be a nanny, and kelangan pa itrain. lumabas tuloy ang pagiging Cambodian ko. heheh!
Mahirap maging working mom, syempre palagi mo maiisip yong sitwasyon ng anak mo, kung napapakain ba sya mabuti, kung naiinom ba ang mga vitamins nya? kung hindi ba sya nagkakasakit. So ayon, stressed ka na sa opisina, lalo ka mastress sa pag iisip sa kanya. Pero mawawala lahat ng pagod mo pagdating mo galing sa trabaho kapag nakita mo na sya nakangiti sayo. Lalo pa ngaun na marunong na sya humabol, ay naku, kapag karga ko na sya, SUPLADA na sya sa iba... with matching taas ang isang kilay ah...
Natutuwa talaga ako sa kanya, hindi sya yong tipo ng bata na late na matutulog, madaling araw na laro pa kayo... She's not, she sleeps at around 8pm but woke up at 5am. ang bongga diba? Almost a month na sya wala nanny, so I just asked my brothers (with their girlfriend) and my uncle to take care of her, I'm still waiting for the nanny from Pinas. So ayon before I go to work, nagpapakain at nagpapaligo pa ako ng anak. ang toxic ko rin noh? heheh!
Good news! She's teething na! Meron na sya tooth! ang saya... kaya lang kakagatin na nya ako, bugbog talaga ako sa kanya, sapak, sabunot, kagat at kung ano ano pa... pero sobrang LOVE ko to!
I love you so much baby Samantha! mwah
No comments:
Post a Comment