May nabasa ako na post tungkol sa pagiging full time mom sa abroad, nakarelate lang. hehehe!
I agree with her, being a MOM in a foreign land is very difficult, madami ka kelangan isakripisyo, may mga bagay na kelangan ka para sa anak mo pero hindi sya available kung asan ka man, katulad na lang ng mga gamot ng baby, kelangan mo pa magpabili sa Pinas para sa mga gamot na nakasanayan na satin na gamitin, dito kasi sa Cambodia, hindi available ang DROPS or any vitamins for the toddlers, ang ginagawa nila tinutunaw ang tablet na gamot at iyon ang ipapainom sa bata... isipin mo na lang kung gaano kapait yon, malamang ikaw mismo di mo kaya yon, dba?
Of course mas mahirap maging working mom syempre iisipin mo kalagayan ng anak mo all the time lalo na kung local yong mag aalaga, mahirap magtiwala, hindi mo naman sila ganon kakilala at baka kung ano gawin sa anak mo. Mas gugustuhin ko pa nga na maging full time mommy na nga lang ako eh, pero wala eh, wala ako choice, kelangan para din sa kinabukasan ni baby. Hindi man ganon kalaki ang sweldo ko, atleast maayos naman at enough na to survived. :D joke lang!
Nong umalis ang yaya kong khmer nagdesisyon kami na kunin na lang yong pinsan ko para mag alaga sa anak ko, madali naman un turuan at madami naman mag aassist sa kanya. Halos isang buwan na rin ng tumigil si yaya, at sa loob ng isang buwan na yon mga kapatid ko na lalaki, kanilang girlfriends at Tito ko ang nag aalaga sa kanya. pero syempre hanggang sa alaga lang din sila, di naman sila marunong maglaba, maglinis, magplantsa, at dahil don ako pa rin! pero wala ako reklamo worth it naman para ke Sam at ke Mahal. Kaya ayon super nanay ako, sa pananaw ko ah? Pero syempre wala pa ako sa kalingkingan ng experience ng nanay ko. She always inspires mo, and I really learned a lot from her being a mom and a wife, pero sa pagiging asawa medyo tagilid pa ako. hahah!
Sabi nga nila, "Ang pagiging ina ay isang dakilang propesyon at pang habang buhay na kontrata" yong tipong walang pahingahan, bawal ang mag day-off at walang sahod at mas lalong hindi ka pwede mag RESIGN! pero at the end of the day lahat ng pagod mo mawawala lahat kapag nakita mo ang pamilya mo na masaya...
Mahalin mo kung ano man ang meron ka, at lalong lalo na pahalagahan mo ang mga taong nagmamahal sayo.
No comments:
Post a Comment