Habang tumatagal dumarami ang mga pakialamera at mga tsismosa ang nagsisisulputan.
Minsan sadyang nakakairita sila, yong tipong wala ng iba ginawa kundi ang abangan kung ano ang bago tungkol sa ibang tao. Hindi na lang ba nila isipin ang sarili nilang problema.
Kapag ba nagdecide kayo magjowa na magpakasal na dahil lang ba sa buntis ang babae? Pwede naman na sobrang inlove kayo sa isat isa diba? Hindi ko din naman masisisi ang mga tao, dahil sa panahon natin, mas madami siguro ang kinakasal ng dahil sa nabuntis sila ng wala sa oras. Bakit kaya hindi na lang maging masaya ang mga tao para sa 2 taong nagmamahalan ng wagas! hehe!
May mga tao naman na pilit hinahadlangan ang taong nagmamahalan ng wagas. Yon bang pilit sila pinaglalayo at gagawin nila lahat para lang magawa ang gusto nila. eh sa kasamaang palad malakas ang kapit nila sa kinauukulan, joke lang! Kung san ba masaya ung tao, bakit di na lang natin sila hayaan diba? Hindi naman tayo kung pakikisamahan nila dba? Kung ano man yong mga bagay na kinatatakutan natin na mangyari sa kanila, eh hayaan natin sila ng maranasan naman nila magkamali at matuto sila sa sarili nilang pagkakamali hindi yong kelangan mo idikta ang kelangan nila gawin, eh pano ba nila malalaman kung tama or mali un kung di nila maexperience dba? Hindi ako perpekto na tao at hindi rin ako nagmamalinis ang sinasabi ko lang ay ang katotohanan.
Minsan kung sino pa yong mga taong sa tingin natin makakaintindi satin, sila pa itong mga taong humihila satin pababa, mga asal talangka ba! Ayoko lang na kung magpost sila sa facebook eh kala mo sila na yong inapi api. Para sakin, di bale ng mabawasan ng mga kaibigan kung ang mga ito ay hindi totoo sayo, okay lang kung konti lang ang kaibigan mo, atleast pamilya mo yong andyan para sau. Naiirita ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari nong nakaraang buwan, nang mayanig ang FB tungkol sa mga post na ibinabato samin ng mga taong tinuring namin na kaibigan, sila na nga itong nang istorbo at nagsalita ng kung ano ano tungkol sa pamilya namin sila pa ang galit at kung makapost WAGAS! hay naku!
I don't have anything against them. Mas madami ako problema na dapat ko harapin kesa isipin sila. Sana ganon din sila, bago nila batuhin ang ibang tao tungkol sa mga pagkakamali nila ay sana makita nila ang sarili nilang dumi.
Pake mo ba kung ganito ako?! Hindi ako suplada, ayoko lang talaga sa mga taong alam ko na titirahin ako patalikod! ang traydor!
No comments:
Post a Comment