Tama! ako ay nagbabalik sa mundo ng blog. Isang bagay na matagal ko ng gustong balikan, pero pilit ko ring binibitawan. May mga panahon na gustong gusto ko isulat dito lahat ng nararamdaman ko, yong tipong gusto mo isigaw pero may pumipigil sayo. Minsan kasi naiisip ko, hindi naman lahat dapat mo ilagay sa internet, dba? pero pakialam ba nila? Walang basagan ng trip.
Teka bakit ba ako bumalik sa pagsusulat? Wala lang, madami na naman kasi ako nabasa na personal blogs eh, nainspire lang ako sa kanilang ginawa. Ang lakas ng loob nila kasi!
Madami na ang nangyari, sa sobrang dami nya hindi ko na alam kung paano mag-update dito.
May mga major CHANGES that happened to me. Well, the last post I made when I was still SINGLE. Akalain mo yon, MARRIED at MOM na ako ngayon! Eto na yong pinakamagandang BLESSINGS na natanggap ko. Thank you po Lord! :)
I never thought that I will be married at the age of 22 1/2, I always wanted at the age of 30. Bongga dba? Pero sabi nga ng iba, hindi naman natin hawak ang mga pangyayari eh dba?
jeff and I we're talking about getting married pero sinabi ko sa kanya na he have to wait and he said yes it's fine. Pero when we celebrated our 3rd Anniversary last September 4, 2010 he proposed and I said YES! With that incident, we decided to get married as soon as possible, hindi naman sa pregnant na ako, pero we're living in the same roof na and my parents kinda feel awkward about it.
We've been quiet about the preparation, only selected people knew about it, Nong nafinalized na namin with Philippine Embassy yong kasal, doon lang ako nagpost and invited selected people, as in very few, very close friends and other relatives lang. People were shocked about it that they even made their speculation that I am pregnant that's why we got married at this young age. syempre ignore na sila,(of course di pa namin alam yon noh) were happy eh! =P
After a month ko pa lang nalaman na I was 15 weeks pregnant, without any signs of pregnancy, eh pano palagi din naman masama ang pakiramdam ko. So yah, what people thought about us was true, but that's not the reason why we got married, it's because we really love each other and ayaw na namin mahiwalay sa isat isa. Actually we got married twice; we had CIVIL WEDDING at the Embassy and a CHURCH wedding (I was 5 months preggy). Our church wedding preparation is sobrang mabusisi, matrabaho at magastos! pero sulit naman at least meron kami basbas from our Lord God dba? Madami dami din ang umattend, pero may mga taong kunyari nagtampo na hindi ko inimbita nong una kong kasal pero ng imbithan ko sa kasal namin sa Simbahan sila din ang hindi nagsidalo. ayos lang, hindi ko na lang pinansin. sisirain ko ba ang special na araw ko ng dahil sa kanila? syempre hindi.
After ilang buwan ayan na ang pinakahihintay ko, ang lumabas ang aking anghel! Pwede ba separate post to? heheh!
Sa sobrang dami na napagdaanan ko, ay konti pa lang pala yon, MASAYA ako sa Kung ano ang meron ako ngaun. mahal ko ang buhay ko, at ang pamilya ko, syempre No. 1 sa heart ko si God. :)