Hay...! Sobrang nakakatamad talaga ang araw na ito, nakakatamad gawin ang mga importanteng bagay sa trabaho ko. Ewan ko ba? hindi ko lang talaga feel magtrabaho ngayon, parang hindi maganda ang pakiramdam ko. Ewan ko basta. Hindi ko rin feel mag Facebook o makipag-chat ngayong umagang to. Kaninang umaga nga tinatamad pa ako bumangon dahil sa... ewan ko ba! In short TAMAD lang talaga.
Naaaliw ako ngayon magbasa ng mga BLOGS ng ibang tao, hanga ako sa kanila kasi updated talaga sila at parang yon na yong libangan nila. madami silang kakaibang kwento sa buhay, narealize ko tuloy, may mga bagay pala na binabalewala ko lang pero para sa ibang tao importante pala yon. Ano daw? ay ewan! heheh! Hindi ako magaling sa mga blogs, pero sabi nga, napag aaralan naman ang lahat ng bagay, heheh! Siguro simula ngayon, kelangan updated itong blog ko, since meron na naman kaming internet sa bahay mas magiging madali na rin para sakin. :)
Andami ko namimiss ngayon. anu-ano nga ba yon? Sige isa-isahin natin.. lol.
Una, namimiss ko pumasok sa eskwelahan. Sa totoo lang hindi ko pa tapos yong course ko sa college kasi naging busy ako sa trabaho which is totally wrong reason dba? Iniisip ko ngang bumalik sa pag aaral, pero iniisip ko yong time schedule ko dito sa trabaho, eh pano ba naman kasi ang pasok ko 8am-5pm, meron naman pang gabing klase 5:30pm-8:30pm, pero ang problema, medyo malayo ang opisina sa eskwelahan, and it takes about 30-40mins. bago makarating sa school minsan nga isang oras pa, dahil sobrang traffic talaga. Minsan naiisip kong tumigil na lang kaya ako sa trabaho, para makapag aral ulit ako just for the meantime. pero sayang din yong opportunity dito, sabi nga "opportunity comes once in our lifetime". pero parang habang tumatagal nararamdaman ko na wala naman pala talaga ako alam, na habang tumatagal nagiging bobo ako...waahh... lalo lang ako nagiging tamad. Parang walang challenge, pa-easy-easy lang dito, lalo lang nakaka-depress. Nakaka-inggit nga yong mga ka-batch ko nong highschool kasi sila nakagraduate na ng college, their holding their degree now, and they can be proud of themselves, yon nga lang ang iba sa kanila wala pang mga trabaho, unlike me, meron na trabaho, sabi nila kaya daw nag-aaral para daw magkaroon ng magandang trabaho at ako meron ako maganda trabaho, pero parang may kulang, kulang ako sa kaalaman tungkol sa mga bagay bagay sa paligid. Oo, iba ang matututunan mo sa school kesa sa real world, kasi iba na yong sarili mong adaptation and application of what you've learned from school, eh pano kung katulad ko na nag-hands on muna bago, not learning the specific principles about what I am doing now? Ang hirap, though every now and then, I'm learning lot of things about it. Sa totoo lang, I never imagined na magwork ako in this position, iba kasi yong gusto ko, kaya siguro I'm not paying much attention sa work ko. dunno... :( medyo matagal tagal ko na rin to pinag iisipan eh, syempre kelangan ko i-give up ang isang bagay diba? I mean yong work ko, baka kelangan ko sya i-give up para naman sa study ko... Pero sana naman may mag-offer sakin yong sa downtown lang para malapit sa school... hay... sana lang...
Ikalawa kong namimiss, ang mga kaibigan ko sa Pilipinas. Medyo matagal tagal na rin ako dito sa Cambodia at hindi pa rin ako nakaka-uwi simula nong pumunta ako dito. Parang nakakabored na rin minsan, lalo na dito sa Phnom Penh. Alam ko na ang mga pasikot-sikot dito, what's in or what's not. basta, gusto ko ng bakasyon, nagplano ako ng bakasyon nong January na dapat uuwi ako ng May pero hindi natuloy, pumunta kasi sila Nanay dito, mabait kasi akong bata so yon... alamo na yon.. :D. At ngayon, nagpaplano ulit ako na umuwi sa April,2010 and sana matuloy na talaga sya. sana... andami ko na plano at excited na ako. heheh!
Ikatlo, ang pagbabakasyon sa ibang lugar, andami na kasing holiday ang nagdaan pero andito lang kami sa Phnom Penh, sa bahay lang nagpapakaburo. Kahit na madami pwede puntahan, hindi pwede sa kadahilanang ayaw ng parents ko, siguro dahil sa nagtitipid o dahil napuntahan na nila yon mga lugar na yon, pero pano kami dba? Since mabait nga akong bata, sumusunod na lang, kaya nga kahit sa tagal ko na dito, marami pa ring lugar dito ang hindi ko pa rin napupuntahan. kawawa naman ako. :( pero hindi ko na rin naman pinipilit. Pero gustong gusto ko talaga mag-out-of-town soon, sana kahit Siem Reap or Sihanoukville lang, gusto ko lang magliwaliw, magrelaxe at magmuni-muni tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko. Aba, minsan nakakapagod din no! Sabi nga, "I need a break". Madami na nangyari at punong puno na ang utak at puso ko about those things. hay... ano ba yan. lalong nakaka-depress, nakakapagod lang talaga.
Ika-apat, ang dati kong katawan? hahhah! Ang taba ko na daw kasi, kelangan ata ng diet, or exercise ng konti. ehehe! Ang lakas ko kasi kumain tapos tulog afterwards lalo na pag walang pasok. Dahil sa sobrang katamaran ko kumilos madami akong hindi nagagawa sa bahay. Mas gugustuhin ko matulog kesa gawin yong mga ganong bagay. hehehehe! :P! TAMAD talaga.
Ika-lima, ang GUMACA. Namimiss ko na talaga ang Gumaca, kung san ako lumaki. wala lang, miss ko lang. heheh! Syempre ang GNHS, ang Simbahan, ang Jollibee, mga tambayan namin nong highschool, nakakamiss. Ang mga kaibigan, kakilala at kung sino-sino at anu-ano pa. :-P ...!
Oh ayan, tamang senti at drama lang ngayon. Katatapos lang kumain, dahil sa sobrang haba nito inabot ng tanghalian bago matapos. wala lang. At hanggang ngayon tinatamad pa rin ako. Wala pa ring text o tawag mula kay Jeff. siguro wala lang sya load.
I need to focus now... toodles...
No comments:
Post a Comment