Hey!
I just want to know how's things going on with you? I know you will never see this, yet I want to tell you lot of things, but it's not very easy to construct a sentence for me to express my feelings or whatever I want to say.
It's been four years after our high school life. Ang tagal na rin pala noh? pero parang ang bilis naman ng panahon parang kelan lang nong una tayong nagkakilala, it was one of my most embarassing moment when we were Elementary, syempre it was one of my memorable moment, eh syempre na-meet kita non time na yon, from that time you already know how much I like you! Whatever I have told you when we were younger I mean it, everything. Hindi ko alam kung katulad ko rin ikaw na naghintay ng pagkakataon para maging tayo non, pero ako talaga naghintay ako, well, syempre hindi rin naman nangyari yon. Kung alam ko lang sana na ganito lang pala ang mangyayari, sana hindi ko sinayang yong mga panahon na magkasama tayo non, na sana sinabi at pinadama ko sayo kung gano kita kamahal.
After that night, on your birthday, I never heard anything from you, I mean from your side. Meron na lang mga kaibigan na nagmamalasakit sakin at bigyan ako ng konting impormasyon tungkol sayo. Siguro madali ka naka move on pero para sakin hindi ganon kadali un no! pero at least kinaya ko diba? Ngayon ok na talaga ako, nakapag move on na ako, at hindi na rin naman ako umaasa pa at naghihintay na maging tau, sa kadahilanang pareho na tayong may commitment, ikaw may pamilya na at ako naman meron ng nobyo, I guess that explains everything that we're already over?
Alamo ba sinasabi nila sakin na siguro ikaw yong First Love ko, kasi naman based sa kwento ko. Well, totoo naman ikaw yong una kong minahal na wala naman kinahantungan. Hindi naman ako nagsisisi na minahal kita eh, nanghihinayang lang ako sa mga nasayang na panahon. Syempre hindi na rin naman natin maibabalik yong mga nasayang na panahon.
Wala ako ibang intension dito, gusto ko lang sabihin o iparating sayo kung ano yong nararamdaman ko ngayon habang ginagawa ko ito, wala lang, parang bigla lang kita naalala, na parang gusto rin kita makita. Alam ko darating din ang panahon na magkikita tayong muli at mapag uusapan natin ang mga nangyari sa mga panahong hindi tayo magkasama.
Kahit anong mangyari gagawin ko pa rin yong mga sinabi ko na kapag bumalik ako ng Pilipinas, ikaw yong unang kaibigan na gusto ko makita. Sa totoo lang nagsisimula na nga ako hanapin ka eh, wala ako pakialam kung may pamilya ka na, gusto ko lang na makita at makasama ka kahit na sa sandaling panahon man lang, kahit bilang kaibigan lang.
Ang drama noh? lilipas din ito. Hindi ko alam kung mababasa mo ito o hindi, pero umaasa ako na sana makita o mabasa mo ito. Alamo na kung sino ka.
Namimiss na kita, sobra.
Roma :-)
No comments:
Post a Comment